Mahigit walong libong dressed chicken ang ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Sultan Kudarat, Maguindanao bilang karagdagang ayuda sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine dulot ng COVID-19 Pandemic.
Sa imporasyon mula kay Mayor Shameem Mastura, nagmula mismo sa kanyang Poultry ang nasabing mga dressed chicken na ipinamahagi sa mga barangay sa bayan.
Maliban sa mga manok, nauna nang namahagi ng bigas, noodles, at canned goods ang LGU SK.
Samantala, umaabot naman sa 1,500 na iba’t ibang klase ng gulay ang ibinibigay araw araw sa mga residente ng bayan. Layunin nito ay para makakatulong na palakasin ang resistensya ng kanyang mga kababayan at matulungan din nito ang mga Local farmers sa pagtitinda dagdag ng Alkalde
Naging katuwang ni Mayor Shameem ang kanyang may bahay na si BARMM BTA Member Dimple Mastura.
Sa susunod na mga araw ay darating na rin ang tulong mula sa Provincial Government at BARMM na umaabot umano sa 7,000 food packs.
Manok at Gulay inihandog sa Sultan Kudarat Maguindanao
Facebook Comments