Capiz – Ligtas pa ring kainin ang mga manok at itlog sa lalawigan ng Capiz at Panay Island.
Ito ay ayon kay Dr. Leonel Abordo, provincial veterinarian, dagdag pa niya, patuloy na nakaalerto ang lokal na pamahalaan ng Capiz kasama ang mga municipal mayors at municipal agriculturist sa mga kabayanan.
Inalerto din ang mga may-ari ng poultry farm sa buong lalawigan upang mapaghandaan at maiwasan ang paglaganap ng bird flu virus matapos ang naging outbreak nito sa Pampanga.
Ipinaliwanag din ni Dr. Abordo na ang epekto ng bird flu virus sa Pampanga ay nasa manok pa lamang at wala pang nadiskubreng epekto ito sa tao.
Samantala, normal pa rin ang presyo ng mga ibinibentang manok sa mga pampublikong pamilihan sa Roxas City at Capiz.
Pumapalo pa rin ang presyo ng manok sa 130-135 kada-kilo.