Manok na Pula ninakaw sa Pangasinan, suspek arestado

Timbog ang isang lalaki matapos maaktuhan nagnanakaw ng manok na pula sa barangay Magsaysay Bayambang Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng PNP Bayambang, nahuli ng isang security force at isang estudyante ang lalaking nagnanakaw na kinilalang si Rodolfo Junio, 41 anyos at isang helper.
Pumasok umano ang suspek sa isang bakanteng lote at kinuha ang manok na pula na nagkakahalaga ng 1, 500 na pagmamay-ari ng isang tricycle driver na kinialalang si Melchor Aquino.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng PNP Bayambang ang suspek.
###

Facebook Comments