Manok ng administrasyon sa May 2019 midterm elections, doble ang kayod

Manila, Philippines – Maging si Senatorial Aspirant Ronald “Bato” dela Rosa ay puspusan din ang gagawing pagkayod para mas lalo pang makilala ng publiko.

Kasunod na rin ito ng latest survey ng pulse asia para sa may 2019 senatorial elections.

Sa nasabing survey, pumasok sa panglabing dalawang pwesto si dela Rosa na nakakuha ng 35.7%.


Sa interview ng RMN Manila kay dela Rosa, sinabi nito na bagamat may 96 percent na ang kanyang awareness level, base sa pulse asia survey, may mga botante naman aniya na nalilito kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan.

Katulong si Pangulong Rodrigo Duterte, nais aniyang ipaalam sa publiko ang kanyang adbokasiya na labanan ang iligal na droga.

Sa pulse asia survey na isinagawa noong Dec. 14 hanggang 21, nanguna sa senatorial bets si Sen. Grace Poe na may 75.6%, sinundan ng reelectionist na si Sen. Cynthia Villar na may 66.6% at Sonny Angara na nakakuha ng 58.5%.

Pasok din sa magic 12 si Taguig Rep. Pia Cayetano-55.4%, dating Sen. Lito Lapid- 49.8%, Sen. Nancy Binay-46.7%, Sen. Koko Pimentel-45.5%, dating Sen. Serge Osmeña-38.8%, Bong Revilla, Jr.-37.6%, Ilocos Governor Imee Marcos-36.7%, Jinggoy Estrada-36.3%, at si dela Rosa.

Facebook Comments