NAGSIMULA na ang pamamahagi ng ikalawang wave ng free range chicken distribution sa 277 na benepisyaryo ng livestock raisers sa lungsod ng San Carlos na kabilang sa mga naapektuhan ng ASF kung saan kasama sa mga ipinamahagi ang 12 inahing manok at chicken feeds.
Sumatotal ay umabot sa 3, 333 na free range chicken ang naipamahagi sa 277 na benepisyaryo mula sa 86 barangay dito.
Ang programang ito ay bahagi ng proyekto ng lokal na pamahalaan upang tulungan ang mga apektadong livestock raisers bunsod ng African Swine Fever outbreak noong mga nakaraang taon kung saan bumagsak ang negosyo ng mga ito.
Inaasahan na ang bawat benepisyaryo na maparami at mapalago ang kaunting tulong na ito mula sa lokal na pamahalaan habang ito ay minomonitor.
Samantala, muli namang maglalaan ang lokal na pamahalaan ng pondo upang mabigyan ang ilang mga naluging livestock raisers na hindi napabilang sa inisyal na mga tumanggap ng tulong. | ifmnews