Manual at Digital payout ng SAP, inaasahang matatapos sa katapusan ng Hulyo

Inaasahang matatapos sa July 31 ang manual at digital distribution ng second tranche ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, target nilang matapos ang SAP 2 distribution sa katapusan ng buwan pero ang payout sa far-flung areas at high risk areas ay posibleng matapos sa August 15.

Sa huling datos ng DSWD, nakapamahagi na sila ng ₱19 billion na halaga ng SAP 2 sa 3.2 million beneficiaries.


Natuklasan din nila na umabot sa 81,484 ang duplicate beneficiaries o nakatanggap ng multiple assistance mula sa Pamahalaan.

Nasa 52,429 beneficiaries ang “ineligible” habang 10,862 pamilya ang boluntaryong ibinalik ang kanilang cash assistance.

Aabot sa 1,563 Local Government Units (LGUs) ang nakapagsagawa ng payout at nakapagsumite ng kanilang liquidation reports.

Nabatid na nasa 12 milyon ang target beneficiaries ng SAP 2.

Para sa unang tranche ng SAP, aabot sa ₱99.7 billion ang naipamahagi sa lagpas 17.6 million beneficiaries.

Facebook Comments