Manual ng mga Police investigator ngayong may COVID-19, rerepasuhin ng PNP

Pinaplantsa na ng Philippine National Police (PNP) ang bagong manual na gagamitin ng kanilang mga imbestigador na rumeresponde sa mga krimen ngayong may COVID-19.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, malapit nang matapos ang “PNP Investigator’s Handbook in the New Normal.”

Nakapaloob dito ang mga binagong investigation procedures na naaayon sa minimum health standard, tamang paggamit ng Personal Protective Equipment (PPE) at paggamit ng teknolohiya upang mas mabilis na pag-monitor at pagresolba ng kaso.


Ang hakbang na ito ng PNP ay inisyatibo ng kanilang Directorate for Investigation and Detective Management upang makaiwas na mahawa ng COVID-19 ang mga pulis.

Sa 75 araw na community quarantine, patuloy na tumataas ang bilang ng mga pulis na tinatamaan ng sakit.

Ito ay dahil na rin sa kanilang trabaho bilang frontliner na nakadeploy sa mga checkpoint at iba pang matataong lugar para sa law enforcement operation.

Facebook Comments