Manila, Philippines – Aabot sa 21,000 boto ang nawala kay Vice President Leni Robredo.
Kasabay ito ng nagpapatuloy na manual vote recount at revision ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa 2016 Vice Presidential Election.
Ayon sa mga PET revisors, tinanggap lamang bilang valid vote ang mga shaded ballot na may 50% threshold.
Karamihan sa mga nawalang boto ni Robredo ay galing sa 16 na bayan ng Camarines Sur.
Kasalukuyan pa ring binibilang at nirerebisa ang mga balota na nasa 1,400 na kahon sa 5,418 clustered precincts mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental, na kabilang sa electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos.
Facebook Comments