Manila, Philippines – Naniniwala ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na maiiwasan ang anumang aberya at problema sa halalan kung babalik muli sa manu-manong pagbibilang ng boto.
Ayon kay NAMFREL National Chairperson Augusto Lagman – nagdudulot ng transparency issue ang automated tallying ng mga boto.
Dagdag pa niya, mahalaga ang transparency kaysa sa purpose ng automated elections na magkaroon ng mabilis na pagbibilang ng boto.
Pinuna rin ng NAMFREL ang pagpalya ng vote counting machines (VCM), SD cards at voter registration verification machines.
Facebook Comments