MANUAL VOTE RECOUNT | Lamang ng boto ni VP Leni Robredo kay dating Senador Bongbong Marcos, bahagyang lumiit

Manila, Philippines – Bahagyang lumiliit ang lamang ni Vice President Leni Robredo kay dating Senador Bongbong Marcos sa nagpapatuloy na vote recount ng 2016 vice presidential election.

Nabatid na nanalo si Robredo matapos maungusan ng 263,463 votes si Marcos kung saan ang official tally ay nakakuha si Robredo ng 14,418,817 votes habang si Marcos ay may 14,155,344.

Ayon sa ilang source mula sa Presidential Electoral Tribunal (PET), matapos ang recount sa 210 clustered precincts ay lumiit ang lamang ni Robredo sa 258,000.


Pero ayon sa ilang P-E-T insider, mahaba pa ang bilangan pero maikokonsidera na itong substantial recovery o pagbabago sa resulta ng eleksyon.

Magpapatuloy pang bilangan ng high tribunal ang higit 5,800 clustered precincts mula sa ipinoprotestang pilot provinces ni Marcos sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Facebook Comments