MANUAL VOTE RECOUNT | National Citizens Movement for Free Elections, humiling sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Humiling ang National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Korte Suprema na payagan ang media at accredited citizens’ arms ng Commission on Elections (COMELEC) na obserbahan ang manual recount ng mga balotang bahagi ng electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay NAMFREL Secretary General Eric Alvia, ang pagkakaroon ng transparency ay mapagtitibay ang integridad ng recount process sa mata ng publiko.

Umaasa ang poll watchdog na sa pamamagitan ng vote recount ay mapaplantsa na ang mga gusot sa isyu.


Ang Korte Suprema ang tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Facebook Comments