MANUFACTURER/DEALER NG PAPUTOK SA SAN CARLOS CITY, BINISITA NG KAPULISAN

Nagsagawa ng inspeksyon ang San Carlos City Police Station sa isang firecracker manufacturer/dealer sa Brgy. Cruz, San Carlos City.

Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang pagsunod ng nasabing establisyemento sa mga safety regulations at lokal na ordinansa hinggil sa paggawa at pagbebenta ng paputok.

Bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa kaligtasan, muling ipinaalala ng San Carlos City Police Station sa publiko na bumili lamang ng paputok mula sa mga awtorisadong tindahan at laging sumunod sa mga guidelines para sa ligtas na paggamit. Ito ay upang maiwasan ang mga aksidente, sunog, o anumang panganib na maaaring idulot ng maling paggamit ng paputok lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Patuloy ang himpilan sa regular inspections at monitoring ng mga paputok dealers sa lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng residente.

Pinayuhan din ang mga mamamayan na ipagbigay-alam sa pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kinalaman sa paggawa o pagbebenta ng paputok.

Facebook Comments