Manufacturer ng processed milk at canned meat, humirit ng price adjustment

Nagpaabot na rin ng kahilingan sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa dagdag presyo ng kanilang mga produkto ang ilang food manufacturers.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Asec. Ann Claire Cabochan na maliban sa dalawang manufacturers ng sardinas, humihirit na rin ng pagtaas sa presyo ang gumagawa ng processed milk o evaporated at condensed milk at canned meat.


Ayon kay Asec. Cabochan, pinag-aaralan nilang mabuti kung magkano sa kabuuang gastusin ng mga manufacturer na ito ang napupunta sa bayarin sa fuel at iba pang factor tulad ng halaga ng lata bago tuluyang magpasya kung pagbibigyan ang kanilang kahilingan.

Aniya, titingnan nilang maigi kung justified o nararapat bang pagbigyan ang hirit na price adjustment.

Kasunod nito, pinag-aaralan din ng ahensya kung maglalabas sila ng panibagong suggested retail price sa basic goods and prime commodities.

Facebook Comments