Manufacturers ng Noche Buena products, tiniyak na hindi gagalaw ang kanilang presyo

Tiniyak ng mga manufacturers ng Noche Buena products na pananatilihin ang kanilang presyo batas sa 2019 Suggested Retail Price (SRP).

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, mayroong close coordination ang pamahalaan sa pribadong kumpanya mula nitong Nobyembre para matiyak na walang pagtaas ng presyo sa basic necessities at noche Buena items ngayong holiday season.

Gayumpaman, patuloy na babantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin para matiyak na sumusunod ang mga ito sa itinakdang presyo ng gobyerno.


Nabatid na bumilis ang inflation nitong Nobyembre na nasa 3.3%, mataas sa 3% na naitala noong Abril.

Facebook Comments