Manufacturing at production ng mga PPEs at iba pang medical safety devices, pinamamadali na

Mas pinaigting pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang local manufacturing at production para sa paggawa ng Personal Protective Equipment (PPEs) at iba pang medical supplies and devices.

Paliwanag ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez sa virtual meeting ng House Committee on Defeat COVID-19, nagkakaubusan na sa buong mundo ng mga raw materials para sa paggawa ng protective equipment kaya pinapamadali nila ngayon ang local manufacturing capabilities ng bansa.

Dahil din sa global shortage kaya tumataas ang presyo ng mga raw materials kaya nagtataasan din ang presyo ng mga protective at medical supplies kahit na gawa lamang dito sa Pilipinas.


Ayon kay Lopez, umaabot na sa 80% hanggang 90% ang production capacity ng mga PPEs o 10,000 kada araw hanggang 300,000 production capacity.

Sa ngayon ay mayroon na umanong 10 million na available facemasks kung saan hiwalay pa ito sa 2 million facemasks at 1,000 ventilators mula naman sa Taiwan.

Facebook Comments