Manufacturing o paglikha ng “Iconic” jeepney sa bansa, inaasahang sisigla sa PUV Modernization ayon sa DOTr

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Department of Transportation o DOTr na maraming Pilipino ang tiyak na makikinabang sa sandaling ganap nang umarangkada ang modernisasyon sa mga pampublikong transportasyon sa bansa.

Ito ang pagtiyak ni DOTr Sec. Jaime Bautista, makaraang ikatuwa nito ang pagtugon ng mga local manufacturer ng “Iconic” Jeepney kasabay ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay Secretary Bautista, sa pamamagitan aniya nito ay mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng trabaho sa paglikha ng moderno ngunit orihinal pa ring disenyo ng mga jeepney.


Una nang sinabi ni Bautista na marami nang local manufacturer ng “Iconic” jeepney ang nagpahayag ng suporta na gumawa ng mga makabagong bersyon nito na nakasusunod sa pamantayan ng pamahalaan.

Dahil dito ani Bautista, hindi lamang makapagbibigay ng ligtas, malinis at maginhawang biyahe ang ipinagmamalaking jeepney ng Pilipinas kungdi ay mapananatili pa nito ang kasaysayan gayundin ang Kultura ng bansa sa aspeto ng transportasyon.

Facebook Comments