MANUFACTURING PLANTS SA REGION 1, ININSPEKSYON NG DTI

Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry Region 1 (DTI R1) sa ilang mga manufacturing plant sa rehiyon bilang pagtitiyak na sumusunod ang mga ito sa pamantayan at maging paglalabas ng mga dekalidad na produkto sa mga konsyumer.
Ilan sa binisita ng Consumer Protection Division (CPD) team mula sa Regional at Provincial Offices ay ang Bolong Agri Management (Bamcor-Fire Extinguisher) sa San Juan, La Union, RV Cruz Enterprises-LPG requalifying Center sa Rosario, La Union, Northern Cement Corporation at Atame Trading Corporation both sa Sison, Pangasinan.
Layunin ng hakbang na dumadaan sa tamang proseso ang mga planta para sa kalidad at safety standards sa mga produktong na nangangailangan ng mandatory regulations at regular monitoring.
Bukod dito ay nagsagawa rin ang tanggapan ng komprehensibong pagtitipon at learning session.
Nagbigay din ng ilang kaalaman ang tanggapan sa mga empleyado para sa kanilang kaligtasan ng mga ito ng mga mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments