Manufacturing sector, pangunahing makikinabang sa oras na maisabatas ang panukalang “CREATE MORE Act”

Malaking panalo para sa manufacturing sektor kapag naisabatas at naipatupad ang panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE Act.

Pahayag ito ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda makaraang ratipikahan ng Kamara at Senado ang CREATE MORE Act na layuning ayusin ang pagpapataw ng Value Added Tax o VAT na naka apekto sa 120,000 na trabaho sa nakalipas na tatlong taon.

Tiwala si Salceda na makakatulong ang CREATE MORE Act para maibaba ng tatlong piso kada kilowatt per hour ang mataas presyo ng kuryente dahil sa enhanced deduction sa power cost.


Inaasahan ni Salceda na bababa ito ng 3 pesos kada kilowatt per hour para sa manufacturing.

Binanggit ni Salceda na ang CREATE MORE ay nakabatay sa mga progresong nakamit mula sa implementasyon ng CREATE Act at tutugon din ito sa mga pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya.

Dagdag pa ni Salceda, aayusin ng panukalang batas ang VAT regime sa ilalim ng CREATE Implementing Rules and Regulations (IRR) kung saan mula 25% ay gagawin nang 20% ang corporate income tax para sa enhanced deductions.

Facebook Comments