MANUNUMPA NA | BuCor Director Nicanor Faeldon, manunumpa na bukas kay Justice Sec. Guevarra

Manila, Philippines – Manunumpa na bukas kay Justice Sec. Menardo Guevarra si Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon.

Sinabi ni Guevarra na nag-abiso na sa kanya ang staff ni Faeldon para sa kanyang oath taking bukas

Ayon kay Guevarra, anumang oras matapos makapanumpa ay maari nang magreport sa kanyang bagong tanggapan si Faeldon.


Una nang kinumpirma ni Guevarra na nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Faeldon sa BuCor.

Facebook Comments