MAPAAYOS AT MAPAGANDA | Bagong health center sa Smokey Mountain, bubuksan ngayon araw

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Manila City Government na bubuksan ngayon araw ang bagong Health Center sa Smokey Mountain Tondo Manila.

Ayon kay Manila City Govt. PIO Bambi Purisima katuwang ang SM Foundation upang mapaayos at mapaganda ang Lying In Clinic upang makatulong sa mga maysakit lalo na ang mga bata at mga inang nagdadalang tao.

Paliwanag ni Purisima mayroong mga Doktor, Nurses at Health Workers ang aasiste sa mga pasyente ng mga residente ng Smokey Mountain sa Tondo Manila katuwang ang SM Foundation.


Giit ni Purisima nais lamang umano ni Manila Mayor Joseph Erap Estrada na mapabuti ang kalusugan ng mga residente ng Tondo Manila.

Facebook Comments