MAPAGBALAT KAYO | Presidential Spokesman Roque, may bagong hirit kay Senador De Lima

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng MalacaƱang na hindi sa istura o sa ugali ng tao makikita kung ano ang kaya nitong gawin.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa naging banat ni Senador Leila De Lima kung saan sinabi nito na tantanan na ang panlalait sa kanyang karakter dahil hindi aniya ito gawain ng isang kristiyano.

Ayon kay Roque, kailangang tingnan sa puntong ito ay ang mga kasong nakasampa laban kay De Lima na ibinabase aniya sa mga matitibay na ebidensiya.


Binigyang diin nito na ang bigat ng mga alegasyon laban kay De Lima ay pagbabalatkayo nito noong ito ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi pa nito na mas hindi maka-Kristiyano ang ginawang selective justice noon ni De Lima sa mga dating taga-oposisyon o mga kalaban ng administrasyong Aquino.

Facebook Comments