MAPAGPATAWAD | Calida, posibleng hindi na kasuhan si Trillanes

Manila, Philippines – Hindi na kakasuhan ng libel ni Solicitor General Jose Calida si Senador Antonio Trillanes IV kahit na pinagbintangan siya nitong nagnakaw ng kanyang amnesty records.

Ayon kay Calida, mas mabuting patawarin na lamang ang mga nagkakasala.

Aniya, marunong din naman siyang magpatawad.


Kasabay nito nilinaw ni Calida na hindi lamang si Trillanes ang sakop ng revocation ng amnesty na ibinigay sa mga magdalo soldiers para sa 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula siege.

Nililitis lamang si Trillanes dahil sa issuance ng Proclamation No. 572, na muling binuksan dahil sa kasong rebellion at coup d’ etat.

Facebook Comments