MAPAGSAMANTALA | Senador Panfilo Lacson, nakatanggap ng impormasyon ukol sa pagbebenta ng mga ID sa Boracay

Manila, Philippines – Nakatanggap ng impormasyon si Senador Panfilo Lacson na nagkakaroon ng bentahan ng ID sa isla ng Boracay.

Ayon kay Lacson, ilang mapagsamantalang barangay officials ang humihingi ng malaking pera kapalit ng pag-iisyu ng ID sa mga hindi residente ng isla.

Ang ID ay kinakailangan para makapasok sa Boracay mula Abril 26 hanggang Oktubre habang isinasagawa ang rehabilitasyon ng isla.


Facebook Comments