MAPANLINLANG | Misleading health claims ng mga pantyliner, ibinabala ng FDA

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mapanlinlang at misleading health claims ng mga pantyliner.

Naobserbahan ng FDA ang paglaganap ng mga pantyliner na may health claim, tulad ng nakakaalis ng tension, binabawasan ang pangangati, pinipigilan ang mga sakit / impeksyon tulad ng UTI, myoma, vaginal odor, hormonal imbalance atbp., at naglabas ng negative ions.

Ayon sa FDA as a general rule (pangkalahatang tuntunin), ang mga pantyliner ay hindi kinakailangang humingi ng awtorisasyon mula sa FDA, pero kung ito ay may health claims, obligado na itong kumuha ng awtorisasyon mula sa ahensya.


Kaya’t pinapayuhan ang publiko na maging mapagbantay at sundin ang mga hakbang sa pag-iingat sa pagbili ng mga hindi nakarehistrong pantyliner na may mga health claim..

Ang mga nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Facebook Comments