CAUAYAN CITY- Sanib pwersa ang buong kapulisan ng Isabela sa pagpapatupad ng mahigpit at malawakang seguridad sa pagsisimula ng paghain ng Certificate of Candidacy sa buong lalawigan ng Isabela.
Ayon kay PCol Lee Allen Bauding, may mga itinalagang kapulisan sa bawat tanggapan ng Comelec sa buong lalawigan upang masiguro ang kaligtasan ng mga aspirants na nagnanais maghain ng kanilang kandidatura.
Aniya, bukod rito ay nagtalaga rin ng checkpoint sa mga pangunahing daan upang maiwasang magkaroon ng anumang iligal na aktibidad na maaaring magdulot ng kapahamakan at kaguluhan.
Dagdag pa niya, layunin ng kanilang operasyon na masiguro na magiging mapayapa at maayos ang kabuuang proseso ng eleksyon sa buong probinsya ng Isabela.
Samantala, mariin ding inihayag ni PCol Bauding na walang sinumang kandidato ang papanigan at bibigyang proteksyon ng kapulisan