Manila, Philippines – Mapayapa sa kabuuan ang paggunita ng all saints at all souls day.
Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana walang naitalang untoward incident na nagdulot ng alarma sa mga tumutungo sa mga sementeryo, simbahan, malls at mga matataong lugar.
Pero mayroon aniya silang naitalang 3 insidente ng pagbibit baril sa NCR, Region 3 at Region 6.
Tatlong insidente rin ang naitalang may bitbit na iligal na droga sa NCR at Region 3.
Habang isang insidente ng direct assault ang naitala sa Region 3.
Aabot rin aniya sa 13,264 ng mga bawal sa sementeryo ang nakumpiska ng mga pulis sa mga sementeryo sa bansa.
karamihan sa mga nakumpiska ay mga patalim na umabot sa 11,039.
Tiniyak naman ni Durana na mananatili pa ring nakaalerto ang mga pulis hanggang araw ng Linggo.