MAPAYAPA | Unang linggo ng Oplan Tokhang, hindi pa rin naging madugo; Mga sumuko, umabot sa 800

Manila, Philippines – Hindi madugo o walang nasawi ang unang linggo ng pagsasagawa ng Oplan Tokhang.

Ito ay batay sa monitoring ng Philippine National Police (PNP) Headquarters matapos ang higit dalawang libong tokhang activities na kanilang ikinasa mula noong Lunes hanggang kahapon.

Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt John Bulalacao, sumuko naman ang 821 drug personalities sa unang linggo ng tokhang operations.


Marami sa mga sumuko ay nasa region 10 na may 400 drug surenderees at region 9 na may 300 drug suspek.

Sinabi naman ni PNP Deputy Spokesperson Vimeelle Madrid, naobserbahan nila ang mas pakikipagtulungan ng publiko sa panibagong tokhang operationkung saan walang naitalang anumang panlalaban.

Positibo rin aniya ang feedback o reaksyon ng mga pari at mga kinatawan ng Human Rights na sumama sa mga tokhang operations nationwide.

Facebook Comments