Mapayapang Barangay at SK Elections tiniyak sa Cotabato City

Muling nagpaalala ang mga otoridad sa lahat ng mga kandidato sa mga baranggay at SK sa Cotabato City na tumalima sa mga ipinangako sa isinagawang peace covenant.

Ito ang mariing inihayag ni Cotabato City Mayor Atty Frances Cynthia Guiani kasabay ng gagawing eleksyon sa araw ng Lunes.

Maging modelo aniya para sa kani kanilang mga kababayan para maisigurong magiging matiwasay ang eleksyon giit ni Mayor Sayadi.


Kaugnay nito hinimok naman ni City PNP Director Rolly Octavio ang mga supporters ng mga kumakandidato na maging kalmado at makiisa sa kampanya ng mga otoridad.
Handa na rin aniya ang buong pwersa ng City PNP katuwang ang militar para mangalaga sa peace and order sa araw ng lunes.

Inaasahang nasa 147 Thousand na mga botante ang makikilahok sa gagawing Barangay at SK Election sa Cotabato City ayon sa City Comelec.

Facebook Comments