Mapayapa at Maunlad na Cotabato City prayoridad ni Mayor Frances Cynthia Guiani Sayadi
Ito ang inihayag ni Mayor Cynthia kasabay ng Oath Taking Ceremony ng Team Guiani sa Peoples Palace noong July 1.
Kasabay ng pagpapalakas pa ng Security Initiatives , inaasahang magbubukas rin ng EYE in the SKY Center sa likod ng City Hall na layuning magsisilbing mata sa himpapawid para na rin magmatyag sa lahat ng sulok ng syudad .
Mabilis na transaksyon sa loob ng City Hall ay inaasahan rin sa unang termino nito giit ng alkalde.
Masaya rin nitong inihayag ang pagbubukas ng Seaport at Airport sa syudad.
Kontraksyon ng kalsada, housing unit, Cotabato China Technical School, Manufacturing Plants, at iba pang proyekto ay inaasahan rin sa susunod na mga araw sa syudad. Mahigit 30, 000 trabaho rin ang nag aantay sa mga taga syudad sa simula ng pagpapatayo at pagbubukas ng mga nasabing programa.
Hinimok naman ni Mayor Cyn ang lahat ng pagtutulungan para na rin sa Mapayapa at Maunlad na Cotabato City.
Mapayapang Cotabato City prayoridad ni Mayor Guiani-Sayadi
Facebook Comments