Mapayapang eleksyon sa bayan ng Moises Padilla sa Negros Occidental, tiniyak

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mapayapang eleksyon sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, sa isang command conference kinausap ng Pangulo ang magkatunggaling kandidato sa nasabing bayan.

Aniya, ipinangako rin ni Duterte ang hustisya para sa pamilya ng napaslang na konsehal na si Michael Garcia.


Maliban dito, binalaan din aniya ni Duterte si Moises Padilla Mayor Magdaleno Peña na dapat hindi na maulit pa ang karahasan sa kanilang lugar.

Mababatid na isa ang Moises Padilla sa isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections o Comelec matapos ang pananambang kay Garcia at sa tiyuhin nitong si Mark Garcia, dating ABC president.

Habang napatay rin ang konsehal na si Jolomar Hilario nang pagbabarilin ng mga miyembro umano ng New People’s Army (NPA) noong Marso 31.

Facebook Comments