Mapayapang pag-explore sa EZZ ng Pilipinas, paiiralin ng Defense department

Courtesy: Gibo Teodoro Facebook

Tiniyak ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., na paiiralin ng pamahalaan ang mapayapang pag-explore sa mga teritoryo ng Pilipinas kabilang na ang West Philippine Sea (WPS).

Ito ay inihayag ni Teodoro matapos ang kanyang talumpati sa Manila Overseas Press Club o “MOPC Defense Night. ”

Iginiit din ng kalihim na hindi niya inirekomenda ang pag-invest ng pamahalaan sa pagbili ng mga makabagong armas at sa halip ay prayoridad aniya ng DND ang pagsasanay sa mga tropa ng pamahalaan.


Tiniyak din ni Teodoro ang pagpapalakas sa alyansa sa kanilang counterparts, bukod sa mga bansang umaangkin sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Tiniyak din ng kalihim ang pagpapalakas sa pagbabantay laban sa local at international terrorists.

Si RMN Chairman at President Eric Canoy ang pangulo ng MOPC.

Facebook Comments