Mapayapang pagdaraos ng pagtatapos ng Ramadan panawagan ng PNP sa publiko

Isang mapayapang selebrasyon ng Eid Al-Fitr o pagtatapos ng ramadan ng mga kapatid na muslim ang panawagan ng Philippine National Police sa publiko.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde naka alerto ang PNP sa buong bansa upang mapigilan ang anumang mga hindi inaasahang pangyayari na makakaapekto sa selebrasyon ng Eid Al Fitr.

 

Tiniyak ni Albayalde hindi mawawala amg presensya ng mga pulis na nakadeploy pa rin sa mga pampublikong lugar sa pagtatapos ng ramadan bukas.


 

Hinimok ni Albayalde ang publiko na manatiling alerto at mapagmatyag para mapigilan ang mga planong manggulo

 

Kasabay ng mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng PNP inihayag ni Albayalde na malaki  ang respeto ng PNP sa mga muslim brothers and sisters kahit na magkakaiba ang mga paniniwala.

Facebook Comments