Tiniyak nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc na nananatiling committed ang dalawang bansa sa mapayapang pagresolba ng sigalot sa South China Sea o West Philippines Sea.
Sa pag-uusap ng dalawang lider sa telepono, sinabi ni PM Phuc kay Pangulong Duterte na malaki ang ginampanang papel ng Pilipinas bilang country coordinator ng ASEAN-China relations.
Sagot naman ni Pangulong Duterte na patuloy na susuportahan ng Pilipinas ang ASEAN.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang dialogue coordinator sa pagitan ng China at ASEAN hinggil sa code of conduct sa South China Sea.
Maliban sa Pilipinas, ang Brunei, Malaysia, Taiwan, at Vietnam ay may sigalot sa China hinggil sa pinag-aagawang karagatan.
Facebook Comments