Manila, Philippines – Isang mapayapa at mapagpalang pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng bagong taon ang hiling ni AFP Chief of Staff Lt. General Benjamin Madrigal sa lahat ng Pilipino.
Sa Christmas greetings pa ng AFP Chief of Staff, sinabi nito na kahit malayo sa kanilang mga pamilya ang halos lahat ng mga sundalo ay hahanap sila ng paraan para maiparating ang pagbati sa kanilang mga mahal sa buhay.
Nagpaabot rin ng pagbati si General Madrigal sa lahat ng kanyang mga kapwa nagta trabaho sa gobyerno ng isang happy Christmas.
Umaasa aniya siya na sa mas lalong mag alab sa puso nila ang paggawa ng public service, pagiging mapagkumbaba at magkaroon ng compassion habang tinutupad ang kanilang tungkulin.
Facebook Comments