Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Brunei Darussalam His Majesty Sultan Hassanal Bolkiah na isulong ang mapayapang resolusyon sa mga isyu sa pagitan ng Pilipinas at Brunei sa Indo Pacific Region.
Ito’y sa gitna ng mga banta sa international rules-based order.
Ayon kay Pangulong Marcos, natalakay rin nila ni Sultan Bolkiah ang pagtutok sa maritime cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Nakapaloob din dito ang kooperasyon sa mas malawak na areas kabilang ang polusyon, skills training, research at information sharing na mahalaga sa maritime nations tulad ng Pilipinas at Brunei.
Samantala, tinalakay rin ng dalawang lider ang pagpapalakas sa partnership at pagpapaikli na lamang ng proseso sa kalakalan sa Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area.