Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging payapa ang nalalapit na Undas sa buong bansa.
Ayon sa Pangulo, pinaalalahanan niya ang publiko na sundin pa rin ang inilatag na patakaran ng gobyerno sa pagpunta sa sementeryo at kolumbaryo gayundin ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Iginiit pa ni Pangulong Duterte na ang mga inilatag na protocols at seguridad ay para na rin sa kapakanan ng publiko lalo ngayon nahaharap ang bansa sa pandemya.
Base sa inilatag na guidelines, nasa 30% capacity ang papayagan makapasok sa sementeryo, memorial parks at kolumbaryo kung saan wala na rin age restrictions na ipatutupad sa mga bibisita sa puntod ng kanilang mahal sa buhay na yumao.
Isasara naman ang lahat ng sementeryo, memorials parks at kolumbaryo sa buong bansa mula October 29 hanggang November 4, 2020.