Sa kabila ng anunsyong pansamantalang pagpapasara sa Maples River, Aguilar, Pangasinan, nakikitaan pa rin ng dagsa ng mga bisita at turista ang naturang pook-pasyalan.
Ayon sa nakapanayam na Aguilar SK Officials ng IFM News Dagupan, mahigpit umano ang kanilang pagbabantay, bagamat mapilit din na pumasok ang mga bumibisita rito.
Matatandaan na muling iginiit ng Department of Environment and Natural Resources o DENR nitong Pebrero lamang ang naturang kautusan dahilan ang pagkakatala ng mga insidenteng sunog, maging ang napansing mga basura sa kahabaan ng Maples River.
Paalala sa publiko na ugaliing maging disiplinado upang hindi masira at patuloy na maprotektahan ang mga yamang kalikasan ng Pangasinan.
Samantala, hindi umano maikakaila ng mga bisita ang kagandahang taglay ng naturang pook-pasyalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨