Mar Roxas, nagsalita na sa pagkakadawit sa illegal drugs operation sa Iloilo

Manila, Philippines – Nagsalita na si dating Interior Secretary Mar Roxas kaugnay sa pagdadawit sa kanya sa illegal drugs operation sa Iloilo ng isa umanong bagman ng napatay na druglord na si Melvin Odicta.
Ayon kay Roxas, umaasa siyang gagawin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang tungkulin nito sa tama at patas na paraan para lumabas ang katotohanan na imbento lamang akusasyon laban sa kanya at kay Senate Minority floor leader Franklin Drilon na sangkot din umano sa droga.
Aniya, dapat tingnan na ang kaduda-dudang affidavit na pinagmulan ng alegasyon laban sa kanila ni Drilon na ibinatay lamang sa double hearsay mula sa taong patay na.
Samantala, iginiit ng Malakanyang na walang kinalaman ang pamahalaan sa testimonya ni Ricky Sereño na nagdadawit kina Drilon at Roxas sa illegal drug trade.

Facebook Comments