Marahas na riot sa US Capitol, dapat kapulutan ng aral ng mga Pilipino; Amerika at China, posibleng makialam sa 2022 presidential elections

Dapat na makapulot ng aral mula sa nangyaring marahas na riot na sumiklab sa US Capitol kahapon matapos na pumalag ang mga taga-suporta ni Outgoing US President Donald Trump sa gagawing confirmatory win ni President-Elect Joe Biden.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ngayong paparating na 2022 presidential election sa bansa, dapat matuto rito ang mga Pilipino para maiwasan na bumoto “for insanity.”

Samantala, naniniwala naman ang political expert na si Prof. Ramon Casiple na posibleng makialam ang Amerika at China sa 2022 national elections sa bansa.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Casiple na dahil sa motibo o pansariling interes ng dalawang malaking bansa, maaaring maipit ang Pilipinas sa girian ng mga ito.

Kasabay nito, aminado si Casiple na malaking tulong sa bansa ang administrasyon ni Joe Biden lalo’t suportado nito ang claims ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Facebook Comments