Marami pang dagat sa Visayas at Mindanao, apektado na rin ng red tide

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sampu pang baybaying-dagat sa bansa ang naapektuhan ng red tide toxins.

Kabilang sa sampung coastal waters na positibo ng paralytic shellfish poison ay ang Daram Island, Zumarraga, Cambatutay at Villareal Bays sa Western Samar; baybaying-dagat ng Leyte, Carigara, Ormoc Bay, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Biliran Islands; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.

Dahil dito, pinapayuhan ng BFAR ang publiko na iwasan ang paghango, pagbenta at pagkain ng mga shellfish sa mga karagatang ito.


Facebook Comments