Maraming airport sa Northern Luzon, napinsala ng Bagyong Egay

Napinsala ng Bagyong Egay ang maraming airport sa North Luzon.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa nasira ng bagyo sa Laoag International Airport ang mga kisame at pinto.

Napinsala rin ang bubong ng Lingayen Airport dahil sa malakas na hangin.


Binaha rin ang taxiway ng Tuguegarao Airport kaya nasuspinde ang operasyon nito.

Bahagyang pinsala naman ang tinamo ng Vigan Airport.

Habang walang tinamong pinsala ang Basco Airport, Cauayan Airport, Palanan Airport, Baguio Airport, Rosales Airport, at ang San Fernando Tower Facility.

Facebook Comments