Maraming botante, tutol sa mail voting ayon sa informal COMELEC survey

Hindi sang-ayon ang nakararaming botante ang mail-in voting bilang paraan ng pagboto.

Sa informal survey ng isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC), tinanong ang respondents kung nais nilang bumoto sa pamamagitan ng mail.

Lumabas na 43% ang nagsabi ng ‘Hindi’ habang 35% ang nagsabi ng “Oo.”


Mayroong 22% ang bumotong “Sandali, may mga tanong ako.”

Ang survey ay isinagawa ni COMELEC Spokesperson James Jimenez sa kaniyang Twitter Account.

Matatandaang isinusulong ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang mail voting para sa May 2022 national at local elections dahil inaasahang magkakaroon ng high turnout ng mga boto kapag isinagawa ito.

Facebook Comments