
Muling iginiit ni Mamamayang Liberal o ML Party-list Representative Leila de Lima ang maraming depekto sa desisyon ng Supreme Court na ideklarang labag sa Konstitusyon ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Kaya naman diin ni De Lima, sa halip na i-archive o pinatay ay mainam na hinintay na lang ng Senado ang magiging pasya ng Korte Suprema sa inihaing motion for reconsideration ng Kamara.
Ayon kay De Lima, hindi sya nakatulog dahil sa ginawa ng Senado pagmamadaling patayin ang impeachment case gayong hindi pa naman pinal ang pasya dito ng Kataas-taasang Hukuman.
Palaisipan din kay De Lima kung bakit sa plenaryo ng Senado tinalakay ang pag-archive sa impeachment case sa halip na sa Senate Impeachment Court.
Facebook Comments









