Maraming negosyante pa rin ang nag-aalinlangan na buksan na ang kanilang mga establisyimento kahit na pinapayagan na ng gobyerno ang 10 percent capacity sa mga nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Sa interview ng RMN Manila kay Employers Confederation of the Philippines President (ECOP) Sergio Ortiz Luis Jr., sinabi nitong luging-lugi ang mga negosyo kung magbubukas ang mga ito sa 10 percent capacity.
Paliwanag nito, pwede ang ganitong set-up kung may mga pick-up delivery pero mahina pa rin aniya ang kikitain lalo na sa mga maililiit na negosyo.
Samantala, welcome naman para sa ECOP ang plano ng pamahalaan na maglaan ng ₱24 billion bilang wage subsidy para sa isang milyong Pilipino o katumbas ng ₱8,000 per month sa loob ng tatlong buwan sa mga apektado ng mga lockdown.