Maraming international flights ang kanselado ngayong araw bunga ng ipinatutupad ng pamahalaan ng Pilipinas na expansion ng entry travel restrictions sa 21 mga bansa at teritoryo.
Bunga ito ng pagkakaroon ng kaso ng bagong variant ng COVID-19.
Kabilang sa mga nagkansela ng kanilang flights patungo ng Manila ang mga bansa na hindi naman sakop travel ban.
Maging ang ilang cargo flights mula sa mga kalapit na bansa sa Asya at Middle East ay kanselado rin ngayong araw.
Ilan namang foreign airlines ay nagkansela rin ng flights dahil sa kulang ang mga nagpabook na pasahero.
Kabilang sa mga sakop ng travel ban ng Pilipinas hanggang January 15 ang mga sumusunod:
• United Kingdom
• Denmark
• Ireland
• Japan
• Australia
• Israel
• Netherlands
• Hong Kong SAR
• Switzerland
• France
• Germany
• Iceland
• Italy
• Lebanon
• Singapore
• Sweden
• South Korea
• South Africa
• Canada
• Spain
• USA
Ang mga Pinoy naman mula sa naturang mga bansa ay papayagan pa rin na pumasok ng Pilipinas.
Gayunman, sila ay dadaan sa mahigpit na 14 na araw na mandatory quarantine.