Maraming kalsada kabilang sa Metro Manila, sarado pa rin sa mga motorista dahil sa epekto ng habagat —DPWH

Hindi pa rin makadaan ang mga motorista sa 14 na kalsada sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon na epekto ng habagat.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), apat dito ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), apat sa National Capital Region (NCR); apat din sa Central Luzon, at tig-iisa sa Calabarzon at Zamboanga Peninsula.

Dulot anila ito ng mataas na lebel ng tubig, putol na kalsada, gumuhong lupa, bumagsak na puno, at mga pagbaha.

Aabot naman sa 28 na national road sections ang limitado lamang ang nakakadaan na motorista.

13 rito ang mula sa NCE, sampu sa Central Luzon, apat sa Calabrzon, at isa sa Zamboanga Peninsula.

Dahil naman ito sa baha, sirang kalsada, gumuhong lupa, madulas na kalsada at precautionary measures.

Samantala, gutter deep pa rin ang baha sa ilang pangunahing kalsada sa Maynila gaya ng Taft Avenue.

Facebook Comments