Manila, Philippines – Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi hacking ang nangyari sa sistema ng Bank of the Philippine Islands (BPI) kung saan maraming kliyente ang nabawasan ng pera sa kanilang accounts.
Ayon kay BSP Inclusive Finance and Financial Consumer Protection Head Director Pia Roman Tayag – walang katotohanan ang kumakalat na balita sa social media na na-hack ang system ng BPI.
Sa isang interview inamin ni BPI President at CEO Cezar Consing na nagkaroon ng “system glitch” kung saan ilang kliyente nila ang nakaranas ng dobleng debit o dalawang beses na credit sa kanilang transaction.
Agad naman itong humingi ng paumanhin sa nangyari at kanila ng inaayos ang problema.
Sa ngayon – sinuspinde muna ng BPI ang access sa electronic channels kayat’ hindi muna maka-access online ang mga kliyente habang ang mga branch ng BPI ay mananatili namang bukas ngayong araw.
DZXL558