Maraming magulang pa rin sa bansa ang nag-aalangan kung papayagan ang kanilang mga anak na lumahok sa pilot testing ng face-to-face classes.
Kasabay itong pagsisimula kahapon ng pilot run ng face-to-face classes kung saan aabot sa 100 pampublikong paaralan ang lumahok at 20 pribadong paaralan naman sa November 22.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma, hindi maaaring pilitin ang mga magulang na lumahok pilot run ang kanilang mga anak dahil nasa gitna pa rin ng pandemya ang bansa dahil sa COVID-19.
Pero sa kabila nito, umaasa naman si Garma na darating ang panahon na mahihikayat na ang mga itong muling payagang makadalong pisikal sa eskwelahan ang kanilang mga anak.
Batay sa kabuuang pagsusuri ng DepEd kahapon, naging maayos ang pagsisimula ng pilot implementation ng limited face-to-face classes.
Walang naitalang aberya sa mga paaralan na lumahok sa pagbabalik ng in-person learning at naipatupad din ng maayos ang health protocols.