Kinondena ng maraming bansa ang desisyon ng Russia na umatras sa Black Sea grain deal.
Ayon kay European Commission President Ursula Von der Leyen na labis silang nadismaya dahil sa nasayang ang ginawa nilang pagsusumikap mula sa Turkey at United Nations.
Pagtitiyak nito na gumagawa na sila ng paraan para matiyak na magkaroon ng food security sa mga vulnerable sector.
Sa panig naman ng United Kingdom na ang desisyon ay hakbang na nakakasakit sa mga mahihirap dahil sa nagaganap na giyera.
Magugunitang hindi na ni-renew ng Russia at hinayaan na lamang mag-expire ang Black Sea grain deal.
Dahil dito ay nanganganib ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagdami ng mga magugutom.
Ang Black Sea deal na pinamunuan ng Turkey at United Nation noong nakaraang taon ay isang paraan para matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga barko na naglalaman ng mga trigo mula sa pantalan ng Ukraine.
Mula nang mapayagan ito ay aabot sa 33 milyon metric tons ng mga pagkain sa pamamagitan ng Ukrainian ports.