MARAMING NALALAMAN? | Pagbibigay ng limang milyong piso ni Janet Lim Napoles kay Sen. Franklin Drilon, dapat paimbestigahan – Malacañang

Manila, Philippines – Nais paimbestigahan ng Malacañang sa Ombudsman at DOJ ang pahayag ni Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles kung saan binigyan niya ng limang milyong piso si sen. Franklin Drilon noong 2010 elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – maraming nalalaman si Napoles kaya’t dapat itong hayaang magsalita kung ano ang kanyang nalalaman.

Una nang itinanggi ni Drilon na tumanggap siya ng campaign contribution mula kay Napoles.


Sa ngayon ay nakakulong pa rin si Napoles dahil sa mga kinakaharap nitong kaso sa Sandiganbayan.

Facebook Comments